Thursday, September 10, 2009

SINO'NG KARAPAT-DAPAT SA 2010?
Takbo ng pulitika sa Pilipinas, walang pagbabago..pinaghaharian pa rin ng mga oportunista at mapagpaimbabaw. Ang kailangan natin ay isang lider na may tunay na malasakit at handang magtiis o mag-sakripisyo para sa kapakanan ng buong sambayanan, isang lider na may tunay na hangaring maiahon ang bansa sa lugmok ng kahirapan. Hindi pulitikong nadadala lamang ng simpatya at awa..disin sana'y ganito na rin ang ginawa ng inyong lingkod nang yumao ang aking ama noong araw, marahil naging alkalde ako ng aming bayan sa dami ng mga nakiramay sa aming pamilya ng mga panahong yaon. Mag-isip naman tayo ng malalim mahal kong mga kababayan.. sino ba sa mga naghahangad maging pangulo ang karapat-dapat? Huwag naman sana tayong padala sa ating mga damdamin, sabi nga ng isang popular na awitin, isip o puso? Sino ba sa mga ito ang may tunay na hangaring maglingkod? Kung ang ihahain nila sa bayan ay habulin ang kayamanan ng mga Marcos, lumang tugtugin na ito. Bayan ko, gumising ka naman!!!